Globe Telecom – Presyo ng IPhone 3G



Noong sinulat ko na dadalin ng Globe Telecom sa Pilipinas ang IPhone 3G , sinulat ko doon ang inaasahang magiging presyo ng IPhone 3G kung susundin ang binigay na presyo mismo ng Apple .  Marahil marami ang nasiyahan ng makita ang kinalabasan ng kalkulasyon (Php 8,842.66).

Ngunit maaring madismaya kayo, katulad ko, kapag inyong nalaman kung magkano "maaring" ilabas ng Globe ang Iphone 3G

Naririto ang "maaring" maging presyo ng IPhone 3G para sa Post Paid at Pre Paid Lines ng Globe .

G-Max 3500 iPhone 3G
Initial Fee: Php9,995
Monthly Fee: Php3,500
Free Text: 650
Free Calls: 750 mins.
Globe to Globe: Php3.50/minute
Globe to Non-Globe: Php4.50/minute
Excess SMS Rates: Php0.50/text

Globe Platinum 5000 iPhone 3G
Initial Fee: FREE
Monthly Fee: Php5,000
Free Text: 650
Free Calls: 1,100 mins.
Globe to Globe: Php3.50/minute
Globe to Non-Globe: Php4.50/minute
Excess SMS Rates: Php0.50/text

Optional: Additional Php2,000/month for Unlimited 3G Plans (Globe Visibility). Plans have 2-year lock-in period with Globe.

PrePaid Plans have not been finalized yet (due to Forex rates) but it will be in the range of Php20,000 to Php25,000.

Nang mabasa ko ang sinulat ni Abe Olandres sa kanyang blog tungkol sa haka-hakang presyo ng Globe para sa IPhone 3G , nadismaya ako dito dahil napakalayo nito sa inaasahang magiging presyo nito pagdating sa Pilipinas.

Kung iyong iisipin, mababa nga naman masyado ang kinalabasan ng naging kalkulasyon ko sa magiging presyo ng Iphone 3G .  Pero di mo naman ako masisisi, dahil ang presyong pinagbasihan ko ay galing mismo kay Steve Jobs  (Apple CEO ) at sinabi mismo nyang ang presyo ay $199.00 lamang mula sa kanyang Keynote Address .

Maraming reaksiyon na din akong nabasa mula sa iba’t ibang pinoy na naghahangad makabili nitong telepono.  Karamihan ay naiinis kung bakit mataas ang "magiging" presyo nito kumpara sa sinabi mismo ng Apple .  May mga tao din namang nagsabing, tama lamang ang binibigay na presyo ng Globe .

Kung ako ang tatanungin, mas kapani-paniwala ang presyong "maaring" ibigay ng Globe para sa IPhone 3G .  Sa kadahilanan na ding, hindi lamang ito basta bastang telepono, marami kang magagawa dito.  Maraming mga features ito na maari mong gamitin.  Marami ding mga applications at softwares na maaring gamitin dito.  Nakakainis mang isiping mahal ang "maaring" maging presyo, ngunit sa bandang huli ang magiging tanong lang ay, "Tama lang ba ang gianstos mo?".

Kayo, sa tingin niyo, tama lang ba ang binibigay na presyo ng Globe para sa bagong Iphone 3G ?

Share and Enjoy:
  • Digg
  • Google Bookmarks
  • Facebook
  • Twitter
  • StumbleUpon
  • del.icio.us
  • Technorati


  1. manu posted the following on June 20, 2008 at 2:36 pm.

    wow…very cheap ang iphone 3g na to…kaso hindi pa din kung iisipin..hehehe…

    Reply to manu
  2. godie posted the following on June 20, 2008 at 2:55 pm.

    Ayon sa Globe motto: Ang lakas mo Globe (?)

    Talagang malakas… malakas umabuso!

    Sa GreenHills nalang tayo bumili mga kapatid, i-boycott natin sila!

    Marahil maari ding bumili sa PowerMac stores pero hindi pa kompirmado kung sasabay ito sa July 12 na paglabas ng iPhone, maaring pagatapos ng 3-6 na buwan pa dahil malamang kasama sa kasunduan ng Globe at Apple ang exclusibong pagbenta ng iPhone sa loob ng ilang buwan sa Pilipinas.

    PS. Pare, Mahirap pala mag blog sa tagalog o__O Hehe

    Reply to godie
  3. kyrillos posted the following on June 22, 2008 at 9:28 pm.

    @godie

    Ayos! Kung sa ganon, maaaring pagdating sa PowerMac Stores eh mas mura kumpara sa Globe.

    PS. Akala ko nga madali eh, mahirap din pala!

    Reply to kyrillos
  4. gerald posted the following on June 25, 2008 at 10:22 am.

    hope namn bumaba agad kung masyadong mataas ” heheheh d2 nga sa taiwan nag tanung ako if how much umaabot din nang kulang 25k sa php. eh”

    Reply to gerald
  5. glitch posted the following on July 2, 2008 at 3:10 pm.

    napaka lalim yata ng tagalog mo… hehehe… napagod ako kakabasa nito…. >.<

    Reply to glitch
  6. benmors posted the following on July 22, 2008 at 10:04 am.

    lolz. wala lang……. :D

    Reply to benmors

Leave a reply

CommentLuv Enabled