Opisyal na ngang inanunsiyo ng Globe Telecom at ng Apple ang pagdadala nila ng bagong bersiyon ng IPhone , ang IPhone 3G , dito sa Pilipinas. Mula sa isang anunsiyo na nalathala sa kanikanilang websites (Apple at Globe ). Isinasaad dito na sa huling bahagi ng taong ito (2008) ay ilalabas ng Globe ang IPhone 3G sa mga Post Paid at Pre Paid na mga kostumer nila.

Eto ang ilan sa mga sinabi ng CEO ng Globe at ng COO ng Apple tungkol sa kanilang pag tie-up upang madala sa Pilipinas ang nasabing telepono.
“We are very excited to be working with Apple to bring Filipino consumers iPhone 3G later this year,” said Gerardo C. Ablaza, Jr. president and CEO of Globe Telecom. “Our customers are our greatest passion and we’re constantly striving to offer them the most innovative products such as the revolutionary iPhone 3G.”
“We are thrilled to bring iPhone 3G to millions of mobile customers in the Philippines,” said Tim Cook, Apple’s COO. “We can’t wait to get this revolutionary mobile device in the hands of even more people around the world.”
Matatandaang ang unang nilabas na IPhone ng Apple ay nagkakahalaga ng humigit kumulang sa $499, samantalang ang ilalabas nila ngayong Iphone 3G sa ika-11 ng Hulyo sa USA ay halos nasa kalahating presyo, ito ay $199 lamang. Marami ang nag-iisip kung bakit ito ay kanilang ilalabas sa ganyang kababang presyo.
Ang magiging malaking katanungan ay kung magkano nga ba ang ibibigay na presyo ng Globe sa IPhone 3G lalo na’t hindi lamang ito nila isasama sa Post Paid Plan , pati na rin sa Pre Paid ay kanila itong ilalagay. Kung iyong kakalkulahin, papatak lamang ito sa P 8,842.66 ($1= P 44.4355 ). Kung iyong ikokonsidera ang patong patong na tax na maaring ipataw ng gobyerno natin dyan, baka lumubo pa ang presyong yan.
Kung iyong iisipin, nakakapagtaka ang magiging presyo nito kung susundin nila ang presyong ibinibigay ng Apple , ngunit nasisigurado ko na hindi lang yan ang magiging presyo nyan. Malamang sa humigit sa doble pa nyan ang ibigay na presyo ng Globe para sa IPhone 3G , kahit na nga ba ang sinundan nito ay halos doble din ng presyo nito sa USA.
Papatok nga kaya sa mga Pinoy at Pinay ang IPhone 3G ? Kung ibibigay nila ito sa halagang $199, siguradong marami ang bibili niyan. Hintayin na lamang natin ang magiging resulta kapag nailabas na ito ng Globe .








Isang di matatawaran at napakahusay na pagtalakay sa isyung IPhone 3G. Great job!
Reply to manuHindi na ako makapaghintay pa lalo na ngayong naging panatiko tayo ng Apple. Matagal ko na gusto magka-IPhone. Buti na lang pala naghintay tayo.
At ang magandang balita, makakabili na ako dito sa Pinas ng Legal na IPhone. Weeeee Buti na lang Globe ang nakipag tie up sa Apple.
Reply to eLfshimmeRhmm..hindi kasi ako mahilig mag-selpon eh..
Reply to kamotenistawala pang digital camera na touch screen din?!…wahahha
*Looks up*
(Puro taga auction and nagcocomment… Hindi nga ako magcocomment…. =P)
(Wala rin naman akong pambili ng Ipod. T______T)
Reply to Euri@manu – hindi natin maiiwasang isipin ang kahihinatnan ng pagdating ng IPhone 3G
@eLfshimmeR – gusto ko din!
@kamotenista – pansin ko nga, at meron ng digicam na touch screen
@euri – meron ako binebenta IPod!
Reply to kyrillos
Reply to eLfshimmeR