Most of the time, the blog sites that you would find on the net would be writing like this. Using what is coined as the official language of the world, the English language . As what I got used to for the past months that our blog has been in the internet, I was one of those bloggers that’s using it.
Papaano kung ganito gawin ko, gamitin ang wikang Tagalog o ihalo ito sa Ingles. Baka naman iniisip ng ibang mangbabasa na mula sa Pilipinas na hindi ko pinagmamalaki ang aking sariling wika. Hehehehe!
Pero, seryoso, mas madaling magsulat kapag ang sariling wika mo na ang iyong ginagamit. Siguro, mas magiging madalas na ang pagsusulat ko, dahil na din sa mas madalas ko ng gagamitin ang Tagalog sa pagsusulat. Maging purong Tagalog man o Tag-Lish ang aking magiging pamamaraan ng pagsusulat.
Siguro naging batayan ko na rin sa pagsusulat sa Ingles ay ang mga banyagang magiging bisita ng aming website o blog. Ngunit sa ibang tao, mas madali nga namang pakita o isulat ang iyong nararamdaman kapag ang sariling wika mo na ang iyong gamit. At maituturing lamang na pangalawang wika ang Ingles dito sa atin.
Wala lang. Gusto ko lang sabihin o isulat ang mga ito.








Nice one loves!
=P
Reply to eLfshimmeRna nakakaaliw kasi gumamit ng pinoy expression eh!…wahaha
tsaka i-tagalog mo kasi nose bleed magbasa ng ingles…LOL!
Reply to kamotenista@eLfshimmeR –
@kamotenista – sinabi mo pa, mas madali nga namang magsulat! kahit na sa pagsusulat nose bleed din!
Reply to kyrillos